“KUNG gusto n’yo kaming arestuhin, arestuhin n’yo na po kami, ngayon na. Tama na po ‘yung pananakot,” mapanghamong sabi ni Senador Bong Revilla sa panayam sa kanya sa radyo.
Hindi aniya siya pinanghihinaan ng loob kundi nalulungkot lamang dahil marami nang nasasaktan partikular ang kanyang pamilya sa pagkakasangkot niya sa pork scam.
Tinawagan pa anya siya ng kanyang ama, na nag-alala sa mga balitang ipapaaresto na siya.
Tugon nito, handa na anya siya rito. Asahan anyang magiging matatag siya at hindi susuko.
Nakatakda namang magbigay ng privilege speech sa Lunes, Hunyo 9 si Revilla.
The post Sen. Bong Revilla nagpapaaresto na appeared first on Remate.