TODAS ang security guard ng isang convenience store nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa CL Montelibano St., Bgy. Villamonte, Bacolod City, kaninang madaling-araw.
Kuhang-kuha sa CCTV ang paggising ng suspek sa noon ay natutulog na sekyu na si Ruperto Esperon bago binaril sa tiyan.
Makaraan nito ay kinuha ng suspek ang baril ng guwardiya at tumakas.
Inaalam na ang motibo sa pamamaslang.
The post Natutulog na sekyu, ginising para patayin appeared first on Remate.