Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Special courts para sa plunder case oks sa M’cañang

$
0
0

WALANG problema sa Malakanyang kung lumikha man ng special courts ang Korte Suprema para sa gagawing ekslusibong paghimay at paglilitis sa mga nasampahan ng kasong plunder at graft na may kinalaman sa P10-billion pork barrel scam.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, walang magiging problema sa pagkakaroon ng special courts kung makatutulong naman sa mabilis na pagdinig ng kaso.

Nauna nang inihirit ni Ombudsman Conchita Morales sa Korte Suprema na lumikha ng dalawang Special Division ang Sandiganbayan para sa kasong may kinalaman sa pork scam.

Ang katwiran ni Morales ay ang tinatawag na national magnitude ng mga kaso at ang bilang ng mga sangkot dito.

Tinukoy din nito na wala namang problema kung pamamarisan ang resolusyon ng Mataas na Hukuman na ipinalabas noong Enero 2002 na lumikha ng special division ang Sandiganbayan para hawakan ang plunder case  ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.

Kahapon ay isinampa na ng Tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang plunder at graft charges laban kina Senador Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr.,  Jinggoy” Estrada, pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles at iba pa.

Sa kabilang dako, handa ang Malakanyang na tapatan ang pagpalag ni Senador Revilla sa pamamagitan ng paghahain ng mosyon sa Sandiganbayan na humihiling na isuspinde ang plunder at graft case laban sa kanila.

Bukod dito ay handa rin aniya ang pamahalaan na sundin ang kautusan ng korte lalo na ang pag-aresto sa mga akusado.

Samantala, bilang respeto na rin aniya sa Senado ay suportado naman niya ang pahayag ni Senate President Franklin Drilon na huwag arestuhin ang tatlong senador habang nasa sesyon ang Senado.

The post Special courts para sa plunder case oks sa M’cañang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>