PINALAGAN ng isang government body na nagsusulong sa karapatan ng kababaihan ang isang episode ng reality TV show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother” kamakailan lamang dahil sa pagsasalang sa isang contestant para sa nude painting.
Dahil dito, nais ng Philippine Commission on Women (PCW) na siyasatin ng Movie Television Review Classification Board (MTRCB) ang paghamon ni “Kuya” sa 23-anyos na si Jayme Jalandoni na mag-pose para sa isang painting bilang parte ng kanilang weekly task.
Kung noong una ay napaluha at hindi pumayag si Jalandoni, nang na-pressure o natakot na maparusahan o ma-evict sa reality show ay pumayag na rin kalaunan.
“‘Kuya’s’ exercise of authority over her is evidently suggestive; placing the female contestant under pressure amid the latter’s rejection of the challenge,” pahayag ng PCW.
“PCW sees nothing wrong with women posing nude for art, but it should be a woman’s free choice to do so,” dagdag nila.
Nilabag anila ni “Kuya” ang right to freedom of thought, conscience, religion and belief ni Jalandoni.
The post Nude painting sa PBB ipinasisiyasat sa MTRCB appeared first on Remate.