Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

National Land Use Act tinutulan

$
0
0

pressconpanelNANAWAGAN sa mga mambabatas ang isang grupo ng real estate brokers, subdivision at socialized housing developers na pigilan ang pagsasabatas ng panukalang National Land Use Act (NLUA) na naglalatag ng bagong polisiya sa paggamit ng lupa.

Sa isang pulong sa Hotel Intercontinental Manila sa Makati City nitong Martes, sinabi ang Advocates for Responsible and Equitable Land Use Planning-binubuo ng Chamber of Real Estate and Builders’ Associations, Inc. (CREBA), Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA), Organization of Socialized Housing Developers of the Philippines, Inc. (OSHDP), at National Real Estate Association, Inc. (NREA)—na makasasama ang NLUA sa industriya ng lupa at pabahay gayundin sa pag-unlad ng ekonomya at pamumuhay.

“This bill has been drafted hurriedly without the benefit of public hearings and the required consulations with all concerned stakeholders and as such will bring all development to a standstill,” ani Charlie Gorayeb national president ng CREBA.  “This will dampen the growth of the BPO industry and negate gains in tourism, agribusiness and other enterprise that contribute to national growth.”

Inaprubahan sa Kongreso ang panukala, House Bill 6545, nitong Nobyembre habang ang kaparis nitong Senate Bill 3091 ay inaasahan ding maipapasa bago matapos ang taon, dagdag ni Gorayeb.

Nababahala ang grupo sa ilang probisyon ng panukala, partikular ang pagbabawal sa conversion ng lahat ng lupaing pangsakahan at ang pagbibigay ng ganap at eksklusibong kapangyarihan sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa disposisyon ng paggamit ng lupain.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Rodolfo Valencia, tagapangulo ng Housing and Urban Development Committee, na mawawalan ng kapangyarihan at partisipasyon ang local government units sa pangangasiwa ng mga lupain na kanilang nasasakupan.

“All previous policies and laws will be rendered inutile by the NLUA and government departments and units whose functions and programs are related to land use will become impotent,” sabi ni Valencia.

“However, we are most concerned in the area of socialized housing because the NLUA leaves nothing for settlements, infrastructure and other non-agricultural projects which are essential to national development,” aniya pa.

Sinabi naman ni Ryan Tan, OSHDP president, na mahihinto rin ang lahat ng programa ng pamahalaan sa socialized housing program kapag naging batas ang NLUA.  “We are not against the allocation of land for agriculture, for food security.  We just want a land use policy that provides equal consideration and protection to all sectors of society whose interests are directly affected by it,” aniya.

Ayon kay Tan, nangako sa kanila ang ilang senador na isasalang sa  masusing pag-aaral ng Mataas na Kapulungan ang panukala sa muling pagbubukas ng sesyon sa Hunyo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan