PATAY ang dalawang lending collectors matapos holdapin at barilin sa Kalawit, Zamboanga del Norte ayon sa ulat ng awtoridad.
Kinilala ang mga biktima na sina Noel Daarol at Remar Cano, 30, kapwa nagtatrabaho sa Duane Jhon Lending Corporation sa Liloy nasabing lalawigan.
Nabatid na kagagaling lamang ng mga biktima sa isang kliyente sakay ng motorsiklo nang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin sakay ng pulang Suzuki.
Nang masigurong patay na ang dalawa ay tinangay ng mga ito ang bag ng mga biktima.
Inaalam na ang pagkakilanlan ng mga suspek.
The post 2 kolektor ng pautang utas sa ambush sa Zambo appeared first on Remate.