IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang mga mosyon nina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jingoy Estrada maging ang itinuturong utak sa pork barrel fund scam na si Janet Napoles.
Ayon sa Ombudsman, nabigo ang mga respondent na may mga kasong plunder na kumbinsihin sila na isantabi ang mga kaso laban sa kanila.
Binigyan naman ng extended immunity ang mga testigong sina Benhur Luy, Merlina Sunas, Arlene Baltazar, Marina Sula at Simonette Briones.
Hindi nakasama ang aplikasyon nina Rodora Mendoza at Victor Cacal sa mga inaprubahan ng Ombudsman.
The post Petisyon nina Enrile, Estrada, Revilla at Napoles ibinasura ng Ombudsman appeared first on Remate.