MATAPOS ang halos isang oras na panggigisa kay Social Welfare Sec. Corazon ‘Dinky’ Soliman, lusot na siya sa committee level ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) at iniakyat na sa plenaryo para sa kanyang kumpirmasyon.
Ito ang ikatlong beses na pagharap ng kalihim sa CA committee on labor, employment and social welfare.
Magugunita na dalawang beses nang na-defer ang kumpirmasyon ni Soliman kaya muli siya in-appoint ni PNoy.
Walang tumutol sa miyembro ng komite sa mosyon ni Cong. Rodolfo Farinas nang irekomenda na dalhin sa plenaryo ang deliberasyon.
Nitong Martes, iginiit ni Sen. Miriam Santiago ang Sec. 20 ng CA rules para harangin ang kumpirmasyon ng kalihim.
Hindi dumalo ang senador sa nasabing pagdinig dahil kasalukuyan pang naka-leave sa sakit na chronic fatigue.
Sa halip na ngayong hapon, sa susunod na linggo irerekomenda ng komite sa plenaryo ang kumpirmasyon ng kalihim.
Sinabi naman ni Cong. Conrado Estrella, chairman ng komite, nasa sine-die session na ang kongreso sa susunod na linggo.
Masyado aniyang marami ang isasalang sa plenary deliberation ngayong araw.
Sa normal na sitwasyon, kapag nagkaroon ng committee deliberation ang CA sa umaga, tuloy-tuloy na ito sa sesyon sa plenaryo sa hapon.
The post Kumpirmasyon ni Soliman lusot na sa committee level appeared first on Remate.