Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Live media coverage ipinagbabawal na ng SC

$
0
0

BINATIKOS ng mamamahayag na nagkokober sa Korte Suprema ang naging desisyon ni SC Spokesman Theodore Te na ipagbawal ang pag-eere ng live sa mga press conference nito.

Sa isang kalatas, sinabi ng Justice Reporters Organization(Juror) na mula noong 1998 nang matatag ang Public Information Office ng SC ay pinapayagan na ang live coverage ng media briefings taliwas sa alegasyon ni Te na noon pa man ay hindi pinapahintulutan ng kataas-taasang hukuman ang pagsasaere ng mga press conference.

Binigyan-diin ng Juror na hindi naman court proceedings ang ineere nang live ng mga reporter kundi ang mga press conference lamang na mahalagang mabilis na maipaabot sa publiko.

Sa panig ng Justice and Court Reporters Association (JUCRA) sinabi ng Pangulo nito na si Rey Panaligan ng Manila Bulletin na sa 40 taong pagkokober nito ng justice beat ay walang pagkakataon na natatandaan ito na bawal ang live television at radio coverage.

Noong Martes ay nabigla ang reporters na nagkokober ng SC nang ipagbawal ni Te na maiere ng live ang press conference sa TV at radio, may 30 minuto na naghintay ang mamamahayag para masimulan ang ipinatawag na press briefing subalit nagpaabot ng mensahe sa kanyang staff si Te na hindi magsisimula ang briefing hanggang sa hindi natatanggal ang mga kable na ginagamit ng TV para sa kanilang coverage.

Nang tanungin sa bagong patakaran sumagot si Te na noon pa man ay hindi na pinapayagan ang mga live coverage.

The post Live media coverage ipinagbabawal na ng SC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>