TANGGAP ng Malakanyang na hindi kayang pigilan ang pag-alis at paglipat sa mas magandang kumpanya ng scientists pati na ang mga volcanologists ng gobyerno.
Ito ay kasunod ng sunud-sunod na pag-alis ng weather forecasters ng PAGASA at ang pinakahuli ay ang pagbibitiw ng ilang volcanologists dahil sa hindi kalakihang sahod at hindi naibibigay na mga benepisyo tulad ng hazard pay.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma Jr., kinikilala nila ang pag-iral ng market forces na may karapatang mamili at magpasya ang forecasters at volcanoligists ng inaakala nilang makabubuti sa kanilang pamumuhay.
Pero sinabi ni Coloma na hindi naman tumitigil ang pamahalaan para mapanatili ang mga mahuhusay na scientists sa gobyerno sa abot ng makakaya.
Sinabi ng kalihim na maaaring senyales na rin ito para tingnan ng mga mambabatas ang pangangailangang ayusin ang pasahod at talakayin ang panibagong salary standardization law para sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaan.
The post Paglayas ng PAGASA employees, oks lang sa Malakanyang appeared first on Remate.