IPINABUBUSISI ng isang mambabatas ang overpriced contracts na pinasok ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Kabataan Rep. Terry Ridon, sa House Resolution 1188, partikular na ipinabubusisi ng mambabatas ang mga kontrata sa suplay ng textbooks at computers na napunta sa tatlong kompanya, kabilang ang Merryland Publishing Corporation, Vicarish Publication and Trading at Book on Wheels.
Nagkakahalaga iyon ng P2.8 billion ang kontratang napunta sa Merryland; P1.3 billion sa Vicarish habang P1 billion ang sa Books on Wheels.
Pero paglilinaw ng kongresista, nangyari ito sa panahon pa ng Arroyo administration.
Sinasabing overpriced ito dahil ang inorder na textbooks ay prinesyuhan ng P200-300 pero ang actual na presyo ay dapat P50-100 lamang bawat isa dahil sa mahinang kalidad ng materyales ng mga ito.
Maliban dito, umabot pa sa P400,000 ang presyo ng bawat computer set na binili mula sa Merrylan publishing.
Mayroon ding ghost deliveries kaya mas lumaki ang kita ng mga nagsabwatan sa anomaliyang ito.
Sinasabing malaki ang nawala sa pera ng gobyerno dahil sa mas malaking tubong ipinatong sa naturang mga kontrata.
The post Overpriced contracts ng DepEd ipinabubusisi appeared first on Remate.