MULING hiniling ng Overseas Filipino Workers (OFWs) Advocate sa mga mambabatas na ipasa na ang anti-age discrimination bill.
Ayon kay Blas Ople Policy Center President “Toots” Ople, mapipilitan ang mga employer na mag-hire ng mas matandang manggagawa na may kakayahan at kuwalipikado pa rin sa trabaho kung maisabatas na ang naturang panukala.
Makatutulong ang bill lalo sa mga OFW at aplikante na may kakayahan pa namang magtrabaho sa kabila ng kanilang edad.
Sa ngayon ay mayroong pitong pending bills sa Kamara habang ang Senate Bill 29 ay inihain na ni Senador Pia Cayetano.
The post Anti–age discrimination bill isabatas na appeared first on Remate.