ISINISI ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kidlat na tumama sa power cable ng Metro Rail Transit (MRT) na dahilan ng pagkaantala ng operasyon nito kahapon.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, sa bahagi ng Kamuning area ang naapektuhang kable dahilan upang kinailangang patayin ang kalahati ng linya ng MRT mula North avenue patungong Shaw boulevard pabalik.
Gayunman, sinabi ni Cabrera na sandali lamang ang naging pagkukumpuni ng mga tauhan ng MRT at naibalik na rin naman sa normal ang operasyon nito kahapon din.
Kaugnay nito, binatikos ng mga pasahero ang sistemang ipinatutupad ng MRT sa mga nabubulok na tren at pati ang kidlat ay sinisisi.
The post Kidlat sinisi sa aberya sa MRT 3 appeared first on Remate.