NAKAAAPEKTO ngayon ang kaulapang dala ng low pressure area (LPA) sa labas ng bansa.
Ayon kay PAGASA forecaster Gener Quitlong, namataan ang LPA sa karagatang malapit sa Japan, ngunit ang ekstensyon ng kaulapan at hangin nito ay umaabot sa bansa.
Sa ngayon ay malabo itong maging bagyo at wala ring posibilidad na pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Samantala, nilinaw naman ng PAGASA na hindi pa agad maikokonsiderang rainy season ang halos regular na ulang nararanasan sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Giit ng weather bureau, bahagi lamang ito ng thunderstorms at isolated rains na agad namang humuhupa.
Samantala, asahan umano ang pagsisimula nang pagbabago ng direksyon ng hangin simula sa Biyernes.
Mula sa easterlies o hangin mula sa karagatang Pasipiko ay manggagaling na ang hangin sa timog silangan para maging hudyat ng habagat.
The post LPA namataan sa karagatan malapit sa Japan appeared first on Remate.