NASUGATAN ang isang sundalo matapos ang engkuwentro sa pagitan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Kalanganan, Barangay San Vicente Bukidnon.
Ang ulat ay kinumpirma ni Eastern Mindanao Command (Eastmincom) Public Information Office head Captain Alberto Caber, ngunit hindi muna nito pinangalanan ang biktima na miyembro ng First Special Force Battalion dahil hindi pa nila pinaalam ang sinapit nito sa kanyang pamilya.
Ayon pa kay Caber, nagpatrolya sa lugar ang mga sundalo matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga residente patungkol sa presensiya ng mga rebelde na nagsagawa ng extortion activities sa nasabing Barangay nang biglang nangyari ang bakbakan.
Umabot ng 20 minuto ang engkwentro bago umalis sa lugar ang mga armadong grupo.
Narekober ng mga miyembro ng First Special Forces Battalion ang M16 rifle at .45 caliber pistol sa encounter site.
Inihayag naman ni Eastmincom commander Lt. Ricardo Rainier G. Cruz III ang battalion commander, na nagsagawa na ngayon ng pursuit operation ang tropa laban sa mga rebelde at ipagpapatuloy nila ang pagpapatrolya sa lugar para matigil na ang extortion activities ng mga NPA.
The post Sundalo sugatan sa engkuwentro vs NPA appeared first on Remate.