NAGBABALA ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng jeepney na naniningil ng sobra.
Kasunod ito ng ilang ulat na ngayon pa lamang ay naniningil na ng P0.50 sentimos na dagdag singil ang ilang jeepney driver sa Metro Manila at karatig probinsiya.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, sa Hunyo 14 pa epektibo ang dagdag singil sa pasahe.
Kailangan na maghanda ang mga tsuper ng panukli para hindi maireklamo ng overcharging.
Paalala pa ni Ginez, bigyan ng 20 percent discount ang mga senior citizen at mga estudyante.
The post LTFRB nagbabala vs overcharging sa pasahe appeared first on Remate.