NAGKAKALASAN na rin ang mga empleyado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para lumipat at magtrabaho sa ibayong dagat.
Sa ginanap na pagdinig sa Senate Committee on Science and Technology kahapon na pinamumunuan ni Senator Ralph Recto, inamin ng pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) na marami na ngang empleyado ng nasabing ahensiya ang nag-resign para mag-abroad.
Napilitang mag-resign ang mga ito dahil sa mas mataas na sahod sa ibang bansa.
Maliban dito, may mga technical personnel din ng Advanced Science and Technology Institute (ASTI) ang pinipili na ring mag-abroad.
Dahil dito, iginiit ni Recto na isama sa Pagasa Modernization Bill ang pagbibigay ng 30% hazard pay para sa mga Science and Technology personnel.
Bago ang pagdinig kahapon, una nang inamin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na 32 sa kanilang mga tauhan ang nag-resign at nag-abroad dahil sa hindi magandang serbisyo ng nasabing ahensiya.
The post PHIVOLCS employees nag-aalisan na rin appeared first on Remate.