PATAY ang limang katao at 30 ang sugatan sa heavy dust storm na bumulabog sa capital ng Iran sa Tehran.
Ang dust storm ay may lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers per hour.
Maliban sa mga namatay at sugatan, nag-iwan din ito ng pinsala kung saan nagkalat ang mga natumbang kahoy, at nabalot ng kadiliman ang nasabing lugar ng ilang minuto.
Dahil dito, agad kinansela ang biyahe ng international flights habang ang ibang domestic flights ay kailangang lumapag sa central Iran.
The post 5 patay sa dust storm sa Iran appeared first on Remate.