MAKARARANAS ng bahagyang maulap na papawirin ang buong bansa, na kung minsan ay mayroong pulo-pulong pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
Bunga nito, apektado pa rin ng ridge ng high pressure area (HPA) ang Northern Luzon.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Gladys Saludes, patuloy pa ring makararanas ang buong bansa ng maaliwalas na panahon.
Ngunit asahan pa rin aniya ang pulo-pulong pag-ulan o pakidlat-pagkulog sa bansa, lalo na sa hapon o gabi.
Pumalo sa 35.8 degrees Celsius ang temperatura sa NCR nitong Lunes, at asahan pa rin ang 25-35 degrees na agwat ngayong araw.
Pagtaya ni Saludes, malapit nang magtapos ang tag-init na tanda naman ng papalapit na tag-ulan.
Ito’y sa harap na rin ng pagpapalit ng hangin patungong Habagat at tuloy-tuloy na pagtala ng malakas na pag-ulan sa mga istasyon ng PAGASA.
Paglilinaw ni Saludes, bagama’t may mga kaulapan sa bansa, mga thunderstorm clouds lamang ito. Walang namamataang low pressure area (LPA) sa bansa.
The post Pulo-pulong pag-ulan mararanasan pa rin ngayong araw appeared first on Remate.