NAGLABAS na ng panawagan si Vice president Jejomar Binay sa mga Pilipino sa Libya na umuwi na lang sa Pilipinas para matakasan ang tumataas na karahasan sa Libya.
Ito ay kasunod ng deklarasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na alert level 3 sa nasabing bansa.
Sa ilalim ng alert level 3 ay kailangan nang lumikas ang 13,122 Pinoy sa nasabing lugar at ito ay popondohan ng gobyerno.
Napag-alamang pagkatapos ng deklarasyon ay aabot pa lang sa 51 mula sa mahigit 13,000 ang bilang ng mga nagparehistro sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli upang umalis sa Libya.
Maliban dito, mahigpit na ring pinagbabawalan ng DFA ang mga Pinoy na magtrabaho sa Libya.
The post OFWs sa Libya pinauuwi na appeared first on Remate.