IPINAG-UTOS na ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) na kunin kay Janet Lim-Napoles ang mga papeles na nagpapatunay sa pagkadawit ng mga mambabatas at officials sa pork barrel scam.
Ayon sa ipinadalang text message ni De Lima, sinusubukan na ng NBI na kunin ang mga dokumento kay Napoles bilang bahagi ng nagpapatuloy na fact-finding process.
Ang retrieval sa nasabing dokumento ay hakbang para maihanda na ang third batch ng criminal cases kontra sa mga idinadawit sa multi-billion pork barrel.
Kinumpirma naman ng abogado ng pork barrel scam queen na si Atty. Bruce Rivera na hinihingi na ng investigators na isumite ang kopya ng mga dokumento, kasama na ang vouchers ng mga transactions sa mga mambabatas na naitago ni Napoles.
Maalalang sa expanded affidavit ni Napoles na naisumite sa DoJ noong May 26 ay idinawit niya ang 18 na senador na kasali sa pork barrel scam.
Ang mga senador ay sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Lito Lapid, Loren Legarda, Tessie Aquino Oreta, Aquilino Pimentel, Manuel Villar, Ramon Revilla Jr., Vicente Sotto III, Cynthia Villar, Robert Barbers, Rodolfo Biazon, Ferdinand Marcos Jr., Aquilino Pimentel III, Loi Ejercito, Robert Jaworski at Ramon Magsaysay Jr.
The post Dokumentong hawak ni Napoles, ipinakukuha sa NBI appeared first on Remate.