IDINIPENSA ni DSWD Secretary Dinky Soliman ang ulat na pinabayaang mabulok ang mga donasyon pa sa biktima ng bagyong Yolanda.
Iginiit ni Soliman na hindi totoo na hinayaan nilang mabulok ang mga relief goods at ‘di na maibigay sa mga nabiktima ng kalamidad.
Ayon kay Soliman, hindi nila kontrolado ang expiration date sa mga donasyon na galing sa ibang bansa.
Ayon pa sa kalihim, may mga relief goods umano na inihatid sa kanilang tanggapan na malapit na ang expiration date.
Dahil dito, emosyonal na pinabulaanan ng opisyal ang napaulat na sinadya umano na mabulok ang relief goods.
Sa Cebu, maraming de lata at mga juice ang nabubulok dahil sa bayarin sa storage fee.
Sa ngayon, may 47 container vans pa ang nasa Cebu International Port na puno ng mga bigas galing sa bansang Algeria na hindi pa naibigay sa mga apektado ng kalamidad.
Kahapon, dumating sa Cebu si Soliman, Lacson at iba pang opisyal para sa inilunsad na post-Yolanda rehabilitation project.
The post Relief goods ‘di pinabayaang mabulok — Dinky appeared first on Remate.