NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Lambayong PNP hinggil sa naganap na pagsabog ng bomba sa harapan ng bahay ni Barangay Poblacion Kapitan Andy Agduma sa ikinawasak ng isang heavy equipment sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Ang pagsabog ay kinumpirma ni Police S/Supt. Rex Dela Rosa, provincial director ng Sultan Kudarat.
Ayon kay Dela Rosa, nagkataong wala ang kapitan sa kanyang bahay ng mangyari ang pagpapasabog at tanging anak lamang nito ang naiwan.
Sa ngayon, hinihintay din umano ang pahayag ng pamilya Agduma kung may natanggap ang mga ito ng death threat.
Ilan sa mga nasira sa naturang pagsabog ang mga nakaparadang heavy equipment ni Kapitan Agduma sa harapan mismo ng kanyang tahanan.
Una rito, ikinagimbal ng bayan nga Lambayong ang nasabing pagsabog sa lakas ng impact nito.
Kasalukuyang hinihintay din ang report ng EOD team ng Sultan Kudarat kung anong klase ng IED ang sumabog at kung ano ang motibo nito.
The post Heavy equipment, wasak sa pagsabog sa S. Kudarat appeared first on Remate.