NATUNTON na kung saang bansa ang kumakalat sa social media na litrato ng Pinay na nalapnos ang katawan matapos banlian ng ng kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia.
Nabatid na ang nanay ng kanyang among lalaki ang nagbuhos ng mainit na tubig sa kanya matapos hindi agad naibigay ang kapeng hinihingi ng matanda.
Ayon sa hindi ipabanggit na pangalan ng OFW, Mayo 4 nang mangyari ang insidente na ikinalapnos ng kanyang buong likod at mga binti.
Sa ikatlong araw na paghatid sa kanya sa ospital para gamutin ang mga paso, palihim na inabot ng OFW sa nurse ang papel kung saan isinulat niya ang roaming number ng kanyang ate sa Pilipinas.
Naibigay naman ng ate niya sa nurse ang number ng kaanak nila sa Riyadh.
Sa sumunod na pagdala sa kanya ng mga amo sa ospital, naitakas si Fatma ng kanyang pinsan.
Sa ngayon, hawak na ng Assistance to Nationals Section ng embahada ang nasabing OFW.
The post Pinay na binanlian ng amo sa Saudi natunton na appeared first on Remate.