DALAWANG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang namatay matapos makaengkwentro ang militar sa Tayabas, Quezon.
Tinatayang 10 rebelde ang nakasagupa ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon sa Southern Luzon Command, matapos umatras ng mga rebelde sa bulubunduking lugar, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang bangkay.
May nakuha ring dalawang M16 rifle, isang M14 at limang backpack ang awtoridad.
The post 2 NPA patay sa bakbakan sa Quezon appeared first on Remate.