ISANG bomb threat ang bumulabog sa Trinoma carpark building sa Quezon City.
Batay sa report ng Quezon City Bomb Squad, ‘di sinasadyang nakapulot ng papel ang isang janitress na naglilinis sa comfort room ng level 1 parking na may nakasulat na magsiuwi na ang nasa loob ng mall dahil may sasabog sa loob ng isang oras.
Mabilis na ipinagbigay alam ng naturang janitress sa pamunuan ng nasabing mall na agad namang itinawag sa himpilan ng pulisya na nagpadala agad ng bomb squad sa lugar.
Nagsagawa ng inspeksyon ang rumespondeng operatiba at nag-ikot sa lugar at hinalughog ang bawat sulok ngunit nag-negatibo naman sa anomang uri ng pampasabog.
Ayon naman sa mga awtoridad, may nais lamang na manakot ngunit tama lamang na ipinagbigay alam kaagad sa awtoridad ang ganitong uri ng pangyayari ng maiwasan ang anomang mas malalang sitwasyon.
Wala namang naiulat na nagdulot ng anomang kaguluhan ang naturang pananakot sa loob ng carpark building.
The post Trinoma nabulabog sa bomb threat appeared first on Remate.