SIYAM na ang namamatay sa nararanasang cholera outbreak sa Alamada, Cotabato.
Nadagdag sa listahan ang 51-anyos na babae na hindi agad nalapatan ng pang-unang lunas dahil sa layo ng pagamutan.
Nabatid na apat sa namatay ay mga kabataan na nasa 4 hanggang 8-anyos.
Una nang idineklara ang cholera outbreak sa Alamada, Cotabato makaraang 438 sa 769 pasyente na sumailalim sa rectal swabbing examination ay nakakaranas ng diarrhea na isa sa sintomas ng cholera.
Ayon kay Dr. Rosario Bandala, municipal health officer sa probinsya, kayang pumatay ng naturang sakit ng isang tao sa loob ng apat na oras lalo na kung sunud-sunod na nararanasan ang diarrhea na posibleng humantong sa dehydration.
Kaugnay nito, lumabas sa inspeksyon ng local government unit (LGU) na hindi pa ligtas inumin ang tubig galing sa water reservoir sa lugar kaya’t nagrarasyon na ng tubig sa ilang sitio sa Alamada partikular na sa Sitio Baugan, Badak, Barorao, Bacong, Dulao, Helmet, Lininding, Mimbalawag Lower Palipayen, New Leon, New Tapaz, Pagalungan, Robrab, Rumayas Sultan Manto, Lower Teren-teren, Upper Teren-teren, Upper Valley, Tukunan, Patil, Sarmiento, Veteran/Kabukiran, Paraiso, Malipayon Makiangon, Damayan, Masagana.
The post UPDATE: 9 na patay sa cholera outbreak sa Cotabato appeared first on Remate.