NAUDLOT ang may tatlo hanggang anim na oras na water interruption sa mga kostumer ng Maynilad.
Sinabi ni Cherubim Ocampo-Mojica, tinaasan na ng National Power Corporation (NPC) ang paglalabas ng raw water supply mula sa Angat Dam.
Naiwasan din ang nakaambang water interruption dahil sa dagdag na reservoir at system adjustment ng Maynilad.
Matatandaang ibinabalang mawawalan ng tubig ang mga taga-Caloocan, Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at Quezon City matapos ihayag ng Maynilad na nabawasan ang alokasyon ng dam sa kanila.
Mula sa 39 cubic meters per second (CMS) nitong Biyernes, nagdagdagan na ito ng dalawang CMS ngayong Sabado.
Pero ayon sa Maynilad, mas mababa pa rin ito sa iniutos na 43 CMS National Water Resources Board (NWRB).
Dahil dito, nagpatupad ng mas mababang water pressure ngayong Sabado na pito hanggang 16 na pounds per square inch (PSI) lamang kumpara sa dating normal pressure na 17 hanggang 30.
The post Water interruption sa MM naudlot appeared first on Remate.