Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

School opening pinaghahandaan na

$
0
0

NAGHAHANDA na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang masigurong ligtas ang mga estudyante sa muling pagbubukas ng klase ngayong taon.

Sa report, Hunyo 2 nakatakdang magbalik-eskwela ang mga pampublikong paaralan sa bansa.

Kasunod nito ay ang mga pribadong eskwelahan na nababalam ng isang linggo.

Ayon kay NCRPO Regional Director Carmelo Valmoria, sa ilalim ng “Oplan Balik-Eskwela” ay nakapwesto na ang mga pulis at mga police assistance desk sa mga eskwelahan dahil sa mga inaasahang pagsulpot ng mga kriminal.

Nagsimula na rin ang ‘Brigada Eskwela’ kung saan tumutulong ang mga pulis sa paglilinis at paghahanda sa mga paaralan para sa pasukan.

Bukod dito, may mga pulis na naka-civilian clothes ang sasakay sa mga pampublikong sasakyan at tututok sa mga krimen sa mga biyahe.

Nagpaalala rin si Valmoria sa publiko na maging maingat at mapagmatyag sa paligid.

The post School opening pinaghahandaan na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>