Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Lumayas na OFW sa Kuwait, balik-bansa na

$
0
0

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbalik bansa na ang 25-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na naunang napaulat na hindi makontak ng kanyang pamilya matapos mamasukan bilang katulong sa Kuwait.

Batay sa natanggap na ulat ng DFA, humingi ng tulong si Rowena Laraya, isang OFW sa Kuwait, naninirahan sa Bgy. Caidquid bayan ng Mambuso Capiz, sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait upang makabalik ng bansa.

Nang makauwi si Laraya ay hindi nito napigilan na maging emosyonal makaraang isalaysay nito sa kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang dinanas na hirap sa pagtratrabaho sa nasabing bansa.

Aminado naman si Laraya na hindi niya nakaya ang maraming trabaho sa bahay ng employer at hindi nito naiwasan na maikumpara ang sahod sa Pilipinas at Kuwait na halos pareho lamang.

Bukod sa mababang sweldo ay nalulungkot din siya lalo na sa kakaisip sa kanyang nag-iisang anak na malayo sa kanya.

Sinabi pa ng OFW na sa kanyang pagbalik sa Pilipinas ay babalikan na lamang siya sa kanyang dating trabaho sa Quezon City at nangako na hindi na siya aalis pa sa bansa.

The post Lumayas na OFW sa Kuwait, balik-bansa na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>