HINDI papayagan ang poultry at hog industry na itaas ang presyo ng karneng baboy at manok kahit napakainit ng panahon.
Ito ang iginiit ni Agriculture Secretary Proseso Alcala.
Aniya, mga poultry at hog raisers ang may gustong gawing airconditioned ang mga kulungan ng mga manok at baboy.
Matagal na umanong umiiral sa Pilipinas ang teknolohiya ng controlled atmosphere sa kulungan ng mga manok at baboy kaya hindi nila ito puwedeng gawing dahilan upang itaas ang presyo ng karneng baboy at manok.
The post Pork, chicken hindi tataas ang presyo appeared first on Remate.