NA-INQUEST na sa Quezon City Prosecutor’s Office ang dalawang suspek na dahilan ng pagkawala ng 59 baril na nagkakahalaga ng P12 milyon sa vault ng isang gun dealer sa Kampo Crame.
Ang nawawalang mga baril ay kinabibilangan ng 12 pirasong CARACAL F; walong SPHINX 3000 COMPACT; 16 KRISS VECTOR SDP; tatlong ARCUS 98 DAC; 20 SPHINX COMPACT SDP.
Naaresto ang mga suspek matapos aminin ng isa sa mga empleyado ng Joavi Philippine Corporation, ang kompanyang nawawalan ng halos 60 mga baril.
Kinilala ang mga salarin na sina Harold Sumalde, 23, empleyado ng Joavi Corporation, vault keeper ng kompanya, habang sa isinagawang follow-up operations ay naaresto naman si Raymond Lopez, 34, na itinuro ni Sumalde na kanyang binabagsakan ng mga ninakaw na baril.
Nabatid na si Lopez ang nagbebenta ng mga ninakaw na baril.
Nahaharap sa kasong qualified theft at paglabag sa Section 32, Paragraph 1 ng Republic Act No. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang mga suspek.
The post Pagkawala ng P12-M baril sa Camp Crame nasagot na appeared first on Remate.