SUGATAN ang apat na doktor kasama ang iba pang kasamahan matapos bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang van sa may Purok 8, South Montilla Boulevard, Bgy. JP Rizal, Butuan sa ulat ng awtoridad.
Dahil sa lakas ng impak, malubhang nasugatan ang driver na si Dra. Alice Caluya Aresta, at kanyang sakay na si Dra. Basilidiza Amodia, 65.
Sugatan din sina Dra. Eusebia Rallos Arnan, 75, ng Sambag 1, Cebu City, at Dra. Fe Rugay Alfante, 65, ng Butuan City.
Minor head injuries naman ang natamo ng driver ng Hyundai Grand Starex van na si Anacleto Perang Page, 63, pati na ang kanyang pasaherong si Avelino Golez Palanas, 6O, na taga-La Fraternidad, Tubay, Agusan del Norte.
Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng van ang South Montilla Blvd . sa lungsod ng Butuan nang nabundol ang Revo na mula naman sa opposite na direksyon na nag-overtake sa isa pang sasakyan.
The post 4 doktor sugatan sa banggaan sa Butuan City appeared first on Remate.