NAGBANTA ang China na gagamitan ng “non-peaceful measure” ang Pilipinas at Vietnam sa gitna ng tumataas na tensyon kaugnay ng mga pinag-aagawang teritoryo.
Ito ay makaraang sugurin ng grupo ng mga Pilipino at Vietnamese ang embahada ng China sa Maynila para mag-kilos-protesta.
Kumakalat din ngayon ang anti-China riots sa Vietnam na nagsimula sa mga protesta laban sa pagtatayo ng Beijing ng oil rig sa bahagi ng South China Sea na inaangkin din ng Hanoi.
Inaangkin ng China ang kabuuan ng South China Sea sa ilalim ng prinsipyo nitong 9-dash line na sumasakop naman sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at Vietnam gayundin ng iba pang kalapit-bansa.
The post Pinas, Vietnam binantaan ng China appeared first on Remate.