Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

1st Las Piñas food festival inilunsad

$
0
0

silver-swan

BAHAGI na ng kulturang Pinoy ang kumain, mag-imbento o tumuklas ng iba’t ibang putahe na klik sa panlasang Pilipino.

Hindi kailangang mamahalin ang mga sangkap, basta’t available sa paligid, susubukin ang isang putahe na inaakalang papatok sa dila ng isang Pinoy.

Dahil itinuturing na festival month sa Pilipinas ang buwan ng Mayo, inilunsad nitong Biyernes ang pinakabagong food festival sa Las Piñas City.

Suportado ito ng 20 barangay sa lungsod, mga paaralan at parokya.

Sinimulan ang cooking festival sa pamamagitan ng paligsahan sa pagluluto na nilahukan ng 20 barangay.

Ang mga putahe na inilahok sa paligsahan ay may kaugnayan sa lokal na kasaysayan ng bawat barangay o indibidwal sa lungsod.

Pangunahing sangkap sa cooking competition ang tahong, labong o inihaw na manok.

Sagana ang tahong sa kahabaan ng karagatan sa Parañaque, Las Piñas hanggang Cavite.

Sagana rin sa labong ang lungsod dahil sa mga kawayan na itinanim sa palibot ng Parañaque-Las Piñas River na pinagsikapang linisin, alagaan sa pangunguna ng Villar Foundation sa loob ng maraming taon.

May mga kabuhayan ding patuloy na ibinibigay ang ilog sa mga residente ng lungsod.

Pinangunahan naman ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ang pagsisimula ng food festival.

“Filipinos are natural food lovers. Here in Las Piñas, we also take pride in our culinary heritage and our local residents with world-class cooking skills,” ayon kay Sen. Cynthia Villar, managing director ng Villar SIPAG.

Tinawag na ‘Official Native Dish’ ng lungsod ang winning dish na Relyenong Labhong mula grupo ng Pulanglupa 2.

Kasama rito sina Fatima Ebina, Leizel Cagaanan at Joanne Quines na tumanggap ng P20,000 cash at gift items.

Hawak na rin nila ang titulo na “Las Piñas City’s First Official Dish Creator.”

First runner-up naman ang grupo mula sa Pamplona 3 na nagpakita din ng kakaibang masarap na putahe, ang Lasugpong na niluto sa makremang gata ng niyog.

Tumanggap ang grupo ng P15, 000 at special prizes.

Nasungkit naman ng Talon 5 ang 2nd runner up at tumanggap ng P10,000 cash sa makasaysayang Pescado Con Salsa de Pimienta Verde.

Pormal namang binuksan ni Las Piñas Rep. Mark Villar ang okasyon.

Pinasalamatan nito ang mga lumahok at nakisaksi sa makasaysayang paglulunsad ng isa na namang pagdiriwang ng kapistahan sa metropolis.

Ang nasabing programa na isinagawa sa SIPAG, C-5 Extension Road, Pulanglupa Uno, nagpamalas ng cooking demonstration ang St. Francis of Assisi College ng Las Piñas at Las Piñas Manpower Training Center.

Ipinamalas din sa mga panauhin na dumalo sa okasyon ang isang ‘flairing exhibition’ ng West Bay College at isang fruit carving exhibition ni Chef Billy Anislag ng Chefs and Food Service Community of the Philippines.

“Umaasa kami na ito ang simula ng isang food festival na aabangan at dadayuhin hindi lamang ng mga Pinoy kundi ng mga banyagang turista. We hope to be able to create a dish that be known worldwide as distinctly Filipino,” pahayag pa ni Sen. Villar.

The post 1st Las Piñas food festival inilunsad appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>