Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Nagnakaw ng manok kinuyog, patay

$
0
0

KINUYOG ng mga kalalakihan ang isang lalaki nang maaktuhang ipinupuslit ang isang manok sa loob ng sementeryo kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktima na inilarawan lamang na nasa edad 45-50-anyos, may taas na 5’4, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng kulay asul na t-shirt at maong pants sanhi ng tinamo nitong pinsala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni P/Insp. Jose Mari Jasmin, deputy ng Station Investigation Detective and Management Section ng Pasay City Police, alas-4:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima na wala ng buhay sa loob ng Sarhento Mariano Cemetery na matatagpuan sa #400 Sarhento Mariano St., Zone 16, Barangay 148 ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksing si Richard Enriquez, 24, binata, caretaker ng naturang sementeryo, bago ang insidente, alas-3:00 ng madaling-araw nakita ang biktima na may dalang panabong na manok at ilang kalalakihan naman ang sumisigaw ng “magnanakaw, magnanakaw!” hanggang sa pagbubugbugin na ito.

Biglang lumabas ang isang lalaki na hinihinalang isa sa mga gumulpi sa biktima at dali-daling tumakas.

Agad na ipinagbigay-alam ni Enriquez sa mga barangay tanod at awtoridad ang insidente na kung saan naabutang wala ng buhay ang biktima.

Dinala naman ang labi ng biktima sa Veronica Funeral Homes sa Libertad, Pasay City upang doon isailalim sa awtopsiya habang patuloy na nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon at kinikilala ang mga gumulpi at pumatay sa biktima.

The post Nagnakaw ng manok kinuyog, patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>