KINAKAPOS na ang suplay ng tubig sa Metro Manila kaya pinagtitipid ang lahat.
Ayon kay Cherubim Ocampo, Assistant Vice President for Corporate Communication ng Maynilad, posibleng humina na ang water pressure at tuluyang mawalan ng tubig ang ilan sa mga siniserbisyuhang lugar ng Maynilad simula ngayong Biyernes.
Aniya, bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam nitong Huwebes ng hapon.
Sinabi pa ni Ocampo na kalimutan na ang pangako ng National Water Resources Board (NWRB) na walang water interruption na magaganap dahil babagsak ang suplay ng water.
Sila umano ang sumukat sa dating at paglabas ng tubig mula sa Angat Dam at napansin nilang napakababa na ng lebel nito.
Posibleng maapektuhan ng limitadong suplay ng tubig ng Maynilad ang mga nasa matataas na lugar at bandang nasa duluyan ng distribution network.
The post Metro Manila, kinakapos na sa tubig appeared first on Remate.