ITINANGGI ng dating beteranong solon na tumanggap din siya ng ‘dirty money’ bilang kickback mula sa kanyang sariling Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel mula noong 2003.
Reaksyon ito ni dating Sen. Aquilino ‘Nene’ Pimentel nitong Huwebes matapos mapasama ang kanyang pangalan sa listahan ni Benhur Luy, whistleblower sa pork barrel scam.
“This is utterly malicious, completely false, and thoroughly defamatory of my reputation,” ayon sa opisyal na pahayag ng mambabatas nitong Huwebes.
Tinukoy pa nito na hindi niya naging staff ang isang Mon Arcenas na sinasabing nakipagtransaksyon bilang kanyang kinatawan para sa mga proyekto.
“I found out that Mon Arcenas had been working with a bank, not with me, and had no power, authority, or permission to solicit, ask for, demand, and much less, receive any amount as commission, kickback, or in any other form or manner in relation to PDAF releases from my office,” saad pa nito.
The post Nene Pimentel pumalag sa pork barrel scam appeared first on Remate.