“THE Senate is not in crisis.”
Ito ang tahasang pahayag ni Senate Pres. Franklin Drilon matapos mailantad sa publiko ang ‘unsigned’ Napoles list na nasa pangangalaga ni dating senador at ngayo’y Rehabilitation Czar Panfilo Lacson.
Ayon kay Drilon, nananatiling matatag ang Senado bilang institusyon bagama’t may kinakaharap na problema ang ilang indibidwal na senador.
Taliwas ito sa unang naging pahayag ni Lacson bago ilabas ang nasabing listahan na ‘magigiba’ ang Senado sa sandaling ilabas ang nasabing listahan dahil may ‘quorum’ ang bilang ng mga mambabatas na idinadawit sa isyu ng pork barrel scam.
“The Senate will not collapse as asserted by some people. The senate is different from the people who compose it,” ani Drilon.
“People may come and go but the Senate will remain as in institution of democracy and as vital part of our democratic government,” diin pa ng lider ng Senado.
Nilinaw din nito na ang pork barrel scam ay paglabag sa batas—ang Anti-Graft Act at walang sangkot na isyung political.
“Kaya naman it’s a matter of upholding the law. Kaya kung sino ang nagkamali, ang nagkasala na may ebidensya, dapat silang ikulong,” saad pa ni Drilon.
The post Senado nananatiling matatag – Drilon appeared first on Remate.