Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

‘De Lima list’ isinumite na sa Senado

$
0
0

ISINUMITE na ni Justice Secretary Leila de Lima sa Senate Blue Ribbon Committee ang “Napolist” na hawak nito na may lagda ng pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.

Tumagal ng halos isang oras ang closed door meeting ni Sen. Teofisto Guingona at De Lima kaugnay sa isinumiteng listahan na nagdidiin sa mga mambabatas sa isyu ng pork barrel scam.

May karagdagang mga pangalan ng mambabatas sa isang pahina ng de Lima list na nakasulat kamay kumpara sa ‘Lacson list’ na inilabas kamakailan ni Sec. Panfilo Lacson.

Ayon kay Guingona, chairman ng komite, wala pa sanang balak na isumite ngayon ng kalihim ang hawak nitong listahan dahil hindi pa kumpleto ang supporting documents nito.

“Hindi ako pumayag kasi it’s about time to put an end to all those speculations.  So napilit ko siya na iwan na yung 1-page list at isumite sa sususnod na Huwebes ang kumpletong supporting documents.  Pumayag na ako kasi mahirap din namang mangalap ng mga dokumento,” ani Guingona sa panayam matapos ang meeting kay De Lima sa kanyang tanggapan.

Noong Lunes, ipina-subpoena ni Guingona si De Lima para isumite hanggang Mayo 15, 2014 ang listahan na hawak nito.

Nakapaloob sa De Lima list ang 11 senador, 77 kongresita, 9 na indibidwal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Tulad ng sa listahan ni Lacson, kabilang din ang mga senador na sina Sen. Bong, Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile, Vicente Sotto, Loren Legarda, Koko Pimentel, Manny Villar, Alan Peter Cayetano, Gringo Honasan, Robert Barbers at Francis Escudero.

Sa mga kongresista ay pasok sina Jesus Romualdo, Florencio Abad, Banzai Nieva, Maite Defensor, Mikey Arroyo, Joel Villanueva, Isidro Ungab, Reynaldo Umali, Slacnib Baterina, Conrad Estrella, Raymond Estrella, Victor Ortega, Neil Benedict Montejo, Arthur Pingcoy, Samuel Dangwa, Florencio Flores, Erwin Chiongbian, Erico Fabian, Florencio Miraflores, Napoleon Beration, Ricky Sandoval, Mas Rodriguez, Rufus Rodriguez, Rizalina Sichon Lanete, JV Ejercito, Edgar Valdez, Scott Davies Lanete, Rafael Fuentes, Sunny Rose Madamba, Ruffy Biazon, Gerald Gullas, Carlos Padilla, Rodolfo Plaza,, Arnulfo Fuentabellea, Raul del Mar, Rommel Amatong, Marc Douglas Cagas, Digaden Dilangalen, Iggy Arroyo, Rodolfo Valencia, Eduardo Zalciata, Nanette Costalo Daza, Constantino Jarual, Clavel Martinez, Manuel Ortega, Peter Falcon, Isidro Real, Corazon Malanyon, Narciso Monfort, Uliran Joaquin, Juaquin Chipeco, Abdullah Dimaporo, Ernesti Pablo, Marcelino Libanan, Rolex Suplicom Benasing Macambon, Jr., Jesnar falcon, Nasser Pangandaman, Hussein Pangandaman, Boy Umali, Amado Bagatsing, Oscar Malapitan, Ecleo, Olano, Jesli Lapuz, Oca Rodriguez, Alvarado, Tulagan at Nograles.

Nadagdag sa De Lima list na nakasulat kamay sina Congressmen Zialcita, Ricky Sandoval, Gullas, Emano, Angara, Neptali Gonzales, Reynaldo Uria at isang kongresista na hindi mabasa ang pangalan dahil sa malabong kopya na isinumite ni De Lima.

Sa mga ahensya naman ng pamahalaan sina Ofelia Agawin, Allan Umali, at Procy Alcalla mula sa Department of Agriculture, Teresita Panlilio at Narcis Nieto ng Department of Agrarian Reform, Alexis Sevidal ng NLDC, Antonio Ortiz at Dennis Cunanan ng Technology Resarch Commission (TRC) at Rhodora Mendoza at Antonio Ortiz ng NABCOR.

Nadagdag din ang pangalan nina Celia Cuasay at dalawang agent na kilala sa tawag na Beth at Maiti.

Ang siyam na indibidwal naman ay sina Ruby Tuason, Bryan Yamsuan, Jen Corpuz, Mat Ranillo, Pauline Labayen, Catherine Mae “Maya” Santos, Patricia “Gay” Agana Tan, Alen Ruste at Mon Arcenas.

Nilagdaan ni Napoles ang isang pahinang listahan na isinumite ni De Lima noong Abril 22, 2014, ala-1:57 ng madaling-araw.

Tiniyak ni Guingona na magkakaroon ng pagdinig kapag narepaso na ang nasabing affidavit ni Napoles at ipatatawag ang mga taong tetestigo mapatotohanan lamang ang mga dokumento.

Reaksyon ni Sen. Sonny Angara:

“In light of the list released by the Blue Ribbon Committee which included my name (if it was indeed referring  to me.) All my PDAF from 2004-2013 were allocated to LGUs, schools and hospitals within my congressional district in Aurora.  For transparency, I have released all my PDAF records to the media.  In my 3 terms as a congressman, I have never allocated any of my PDAF to any NGO.  Records will bear me out,” ani Sen. Angara.

The post ‘De Lima list’ isinumite na sa Senado appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>