Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Anthony Villanueva, binigyan-pagkilala sa Kamara

$
0
0

ISANG resolusyon ang ikinasa sa Kamara bilang pakikiramay sa pagyao ng kauna-unahang Filipino Olympic Silver Medalist sa larangan ng boksing na si Anthony Villanueva.

Nakapaloob sa House Resolution 1122 na inihain ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza, Jr. na si Villanueva ang unang tumanggap ng silver medal sa Olympics noong 1964 na ginawa sa Tokyo, Japan.

Maging ang ama nito na si Jose Villanueva ay nagwagi rin ng Bronze medal bilang Bantamweight boxer noong 1932 Olympics na ginanap sa Los Angeles, USA.

“Whereas, his singular fete brought honor to the nation and served as an inspiration to many young Filipinos especially those who are engaged in the sport of boxing.” ani Atienza.

Ang buong respeto aniya ng Kamara at pakikiramay ay ipinaabot sa kaniyang pamilya.

Tumayo rin sa plenaryo si Atienza hindi lamang para kilalanin si Villanueva kundi para batikusin ang Philippine Olympics Commission (POC) na aniya’y nagpabaya sa mga atletang nagbigay ng dangal sa Pilipinas.

Agad ding nagpaabot ng pakikiramay si Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sa kanyang pahayag, binigyan-diin ni Pacquiao na si Villanueva ang original Filipino Boxing icon na hindi dapat kalimutan ng buong bansa.

Bilang isang boksingero din aniya ay malaking kawalan sa buong nasyon si Villanueva dahil isa ito sa mga itinuturing na great athlete lalo na ng makuha nito ang silver medal noong 1964 Olympics.

Sinabi din ng pambansang kamao na ang kontribusyon ni Villanueva sa sports ay hindi matatawaran ng anomang parangal at pagkilala.

The post Anthony Villanueva, binigyan-pagkilala sa Kamara appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>