PINAYUHAN ng Malakanyang ang mga magulang na dalhin sa State Universities and Colleges (SUCs) ang kanilang anak kung hindi kaya ang pagtaas ng tuition fee ng mga pribadong eskwelahan.
Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., hindi nila mapipigilan ang napipintong pagtaas ng tuition fee sa pribadong eskwelahan dahil may sariling batas na sinusunod ang mga ito.
“Mayroon namang alternative din kung hindi maa-afford ‘yung tuition fee, puwedeng magpunta sa state universities and colleges (SUCs). ‘Yung private, the reality is most of the tertiary educational institutions are run by the private sector. Iyong private sector, bagama’t private sector sila, governed din sila nu’ng tuition fee law. At sa ating pagkaalam doon sa tuition law, kapag nagkakaroon ng tuition fee increase, 70 percent of the increase must be allocated for compensation and benefits of faculty and administrative personnel,” ani Sec. Coloma.
Kaya nga aniya dapat tunghayan kung ano ang justification at kung ito ba ay nakaakma sa pag-comply sa batas na pagpapabuti ng compensation ng mga guro.
Kailangan din aniyang pansinin ang kalidad ng edukasyon na umaayon o bumabagay sa kalidad ng “faculty” at kung ang faculty aniya ng mga ito ay mga Master’s degree holders o PhD ay may karapatan din naman aniya ang mga guro na humingi ng mas mataas na pasweldo.
Sa kabilang dako, sa aspeto naman ng SUCs ay may kautusan ang Commission on Higher Education (ChEd) na mayroon itong sinusunod na tinatawag na roadmap for excellence na nangangahulugan na dapat na sumunod sa “quality standards” na inimplementa ng CHED.
“Halimbawa, nag-o-offer sila ng — particular course, dapat mayroon silang equipment, dapat mayroon silang facilities, at mayroon silang qualified faculty. At lahat ng iyan cost money and the money is derived from the tuition fee paid by the parents of the students,” ayon sa opisyal.
Kaya sa ngayon aniya, ang titingnang katwiran ng pamahalaan ay kung paano ng level of tuition fee kumpara sa kalidad na edukasyon na ibinibigay ng kolehiyo o unibersidad na pag-aari ng gobyerno o pribado.
Iyan aniya ang mga mahahalagang batayan ng CHED sa pagpayag at hindi pagpayag na magkasa ng tuition fee hike.
The post Palasyo ipinayo na sa SUCs pag-aralin ang mga anak appeared first on Remate.