NASA 29 katao ang dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na operasyon na “Oplan Galugad” na isinagawa sa Quezon City kagabi, Mayo 14, Miyerkules.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Public Information Office, unang isinagawa ang operasyon sa Fairview, QC dakong 11:00 kagabi.
Sumunod sa Kamuning, Batasan, Culiat, QC na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga pinaghihinalaan.
Sinabi ni QCPD Director Chief Supt. Richard Albano na nakuha mula sa mga dinakip ang .38 revolver, improvised shotgun, samurai, ilang sachet ng pinaghihinalaang shabu at mga drug paraphernalia.
Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis dahil sa serye ng sunod-sunod na kriminalidad sa lungsod na ang pinakahuli ay ang pamamaril sa Fairview na ikinasawi ng limang katao nitong nakalipas na linggo.
The post 29 arestado sa “Oplan Galugad” sa QC appeared first on Remate.