MULING nag-alburoto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng anim na volcanic earthquakes sa paligid nito kaninang umaga, Mayo 15, Huwebes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sa nakalipas na 24 oras ay nakapagtala ang ahensya ng bahagyang pagtaas ng water temperature sa paligid ng bulkan
Sinabi din ng PHIVOLCS na tumaas ang water level sa paligid ng bulkan na umabot sa 0.43 meter mula sa dating 0.40 meter.
Nabatid pa sa PHIVOLCS na patuloy na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal at pinangangambahan ang pagsabog nito.
Pinaalalahanan din ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng steam explosion nito.
Ayon pa sa PHIVOLCS, nananatiling nasa Permanent Danger Zone (PDZ) ang paligid ng bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit sa bulkan.
The post Bulkang Taal muling nag-alburoto appeared first on Remate.