AMINADO ang pork barrel queen na walang notaryo ang kanyang affidavit dahil sa kawalan ng magpapasumpa sa kanya sa nilalaman ng kanyang salaysay.
Ito ang nakasaad sa bahagi ng kanyang ‘unsigned’ affidavit na ibinigay kay Sec. Panfilo Lacson.
“I regret that, at this point, my affidavit was not notarized as required by the rules because of lack of an authorized subscribing officer who will conduct the subscription and swearing in of my affidavit. Further, I was not able to obtain the service of a notary public,” bahagi ng nilalaman ng nasabing affidavit ni Janet Lim Napoles.
Sinabi ni Napoles na kailangan munang makakuha ng permiso ng isang notaryo publiko bago tuluyang makapasok sa kanyang detention facility sa Fort Santo Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Bahagi rin ng nilalalaman ng affidavit nito na hindi niya alam na masama o iligal ang pagbibigay ng komisyon sa mga pulitiko.
Aniya, bilang isang high school graduate, hindi niya hinangad na gumawa ng masama kundi mabuhay ng maayos at maitaguyod ang kanyang pamilya.
The post Napoles affidavit walang notaryo appeared first on Remate.