PATAY habang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital ang 61-anyos na lalaki makaraang ilang beses na saksakin ng kanyang kumpare sa isang inuman sa C. Laserna St. Kalibo, Aklan.
Namatay si Reynaldo Dalida habang kusang sumuko sa mga rumespondeng pulis ang suspek na si Errol Suante, kapwa ng naturang lugar.
Ayon sa salaysay ni Anita Dalida, asawa ng biktima, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang iba pa nilang kaibigan sa pampang ng Aklan River nang magtalo ang mga ito dahil sa nawawalang alagang manok ni Dalida.
Kinompronta ng biktima ang suspek kung bakit nito ninakaw ang kanyang manok na mariin namang itinanggi ni Suante.
Kaagad na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima sa tagiliran na naging sanhi ng pagkamatay nito.
The post Kelot tinodas ng kainuman dahil sa manok appeared first on Remate.