HUMANTONG sa malagim na trahedya ang pagkukulitan ng tatlong magkakaibigan na dalagita nang mahulog ang isa sa kanila sa ilog sa Pangasinan.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sanhi ng pagkalunod ang biktima na si Jemalyn Astrate, 13.
Depensa ng tatlong kaibigan ng biktima na hindi nila sinasadya ang pangyayari at humingi ng paumanhin sa mga mahal sa buhay ng kanilang kaibigan.
Sa ulat, naganap ang insidente sa Angalacan river na nasa bayan ng Mangaldan sa Pangasinan.
Bago ito, naghaharutan ang biktima at ang tatlong kabigan nito na hindi binanggit ang mga pangalan malapit sa nasabing ilog sa may Barangay Nibaliw East.
Sa gitna ng kulitan, hindi sinasadyang naitulak ang biktima ng isa sa kanyang mga kaibigan kaya nahulog ito sa ilog.
Dahil may kalaliman ang ilog, hindi agad nasaklolohan ang biktima kaya halos walang na itong malay bago naiahon.
Sinubukan pa rin itakbo ang biktima sa ospital pero hindi na naisalba pa.
The post Dalagita naitulak ng katropa sa ilog, nalunod appeared first on Remate.