INAKUSAHAN ni Janet Lim-Napoles si Ruby Tuason na utak sa P900 million Malampaya fund scam.
Base sa draft affidavit ni Napoles na isinumite ni Rehab Czar Panfilo Lacson sa Senado, inihayag ni Napoles na si Tuason ang lumapit sa kanya noong 2009.
Isiniwalat pa ni Napoles na sinabi sa kanya ni Tuason na makakakuha ito ng pera sa Malacañang na gagamitin sa 2010 presidential election at noong huli ay nalaman niya na mula ito sa Malampaya fund.
Itinuturo rin ni Napoles sa draft affidavit na si Tuason ang tumanggap ng 60 percent ng kickback sa Malampaya fund scam at ito ang ipinagawa ng dating social secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada ng kanyang mansion sa Dasmariñas Village.
Kinumpirma rin ni Napoles na five percent lang ang natanggap niyang kickback sa Malampaya Fund scam.
The post Napoles: Tuason utak ng Malampaya scam appeared first on Remate.