KINASUHAN na kaninang hapon, Mayo 14 ng Quezon City Police District (QCPD) ang lima sa anim na naaresto sa Fairmont Subdivision kaugnay sa Fairview shooting spree incident na ikinamatay ng lima katao.
Subalit ang isa sa anim na naaresto ay isang menor-de-edad kaya nakatakdang i-turnover sa DSWD.
Sinabi ni QCPD spokesperson Capt. Maricar Taqueban, ang ikinaso sa mga suspek ay illegal possession of firearms, paglabag sa Republic Act 9165, illegal possession of explosives at direct assault to an officer.
Kasong murder, paglabag sa Republic Act 9516 at direct assault ang isasampa laban kay Alsaid Mindalano, na siyang nagmamaneho ng motorsiklo na ginamit sa walang habas na pamamaril.
Sa kabilang dako, walang tigil ang manhunt operation laban sa isa pang suspek na gunman na kasalukuyang at large.
The post Fairview shooting spree suspect, kinasuhan na appeared first on Remate.