KINUMPIRMA ng US Geological Survey na niyanig ng lindol na may magnitude 6.8 ang Panama.
Ang naturang lindol na may lalim na 10 kilometers (6 miles), ay naitala bandang ala-1:35 ng madaling-araw (0635 GMT).
Natagpuan ang epicenter nito sa dagat, 130 kilometers (80 miles) ng south ng city of David.
Wala namang tsunami warning na ipinalabas matapos ang lindol, habang hindi pa batid sa kasalukuyan kung may nasirang ari-arian, nasaktan, o nasawi sa nasabing pagyanig.
The post Panama niyanig ng magnitude 6.8 na lindol appeared first on Remate.